|
|
Wow. Ang saya saya ko kanina. Super kilig ako. HAHAHAH
Ganito kasi yun. 2nd break ko. Pinuntahan ko Em ko sa station nya eh ka-team nya si “Kingkong”. Sabi ko sa friend ko “tara break ka na, samahan mo ako sa baba wala akong kasama magyosi”. Sabi ni Em “mamaya 20 minutes pa bago break ko”. Sabi ko “K”. Umalis ako sa “station” nila pero alam ko tumayo si “Kingkong”. Pinuntahan ko si Elle kaso may call siya so ako na lang mag-isa nagbreak. Bago ako lumabas ng production floor nilingon ko si Elle at nakita ko SAGAD ang ngisi nya. Alam ko tumayo siya. Di ko na siya nilingon. Dumaan ako sa CR. Paglabas ko ng CR nakita ko si Jey, tinanong ko siya kung break siya sabi niya oo daw. Taz paglabas namin ng lobby ng office andun si KINGKONG. NAWINDANG BUONG KALULUWA KO hahaha. Tinalikuran ko siya kasi di ko matago yung ngiti ko na abot hanggang kilay hahahaha. Umupo ako sa steps. Taz yumuko siya kunwari inaabot niya yung paa pero nasulyap siya sakin habang nakayuko siya sabay sabing “ang sakit ng katawan ko”. Kinikilig ako na ewan na naiilang. Ang ginawa ko tinapos ko na ang pagyoyosi at dumiretso na ako sa floor. I just don’t get it. Tapos kanina nagkukulitan kami ng friend niya na si JB taz andun siya nakatayo sa tabi ng upuan ko as in dun siya nakatambay sa station ko taz EPAL siya as in. HAHAHAHA kinikilig ako kanina. Kaso short lived eh. :( |